^

Bansa

Isinilid sa sapatos: Pinay timbog sa 2-kilo droga sa HK!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na Pinay ang inaresto dahil sa umano’y pagdadala ng may dalawang kilong illegal drugs sa paliparan ng Hong Kong.

Bineberipika na ng Department of Foreign Affairs sa Philippine Consulate General sa Hong Kong ang ulat ng pagkakaaresto sa Pinay household worker na itinago ang pangalan.

Sa report, dinakip ng mga awtoridad ang Pinay nang makita umano sa loob ng sapatos nito ang may 2-kilong cocaine na may market value na mahigit HK$2-milyon o P11 milyon habang nasa HK International Airport.

Nahaharap sa kasong drug trafficking ang nasabing domestic helper at nakatakda umanong humarap sa korte ng Hong Kong.

Sa batas ng HK, posibleng mapatawan ng parusang habambuhay na pagkabilanggo ang Pinay at may multang 5-milyong HK dollars (P28-M) kapag napatunayang nagkasala sa pagdadala ng illegal drugs.

Kamakailan ay isang Pinoy ang inaresto sa departure area ng Ningbo International Airport sa China dahil sa pagdadala ng 5-kilong shabu habang nag-aantay ng kanyang flight patu­ngong Kuala Lumpur, Malaysia. (Ellen Fernando)

BINEBERIPIKA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

HONG KONG

INTERNATIONAL AIRPORT

KUALA LUMPUR

NINGBO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with