Super typhoon 'Ruby' lumakas pa; storm signal sa 34 lugar
MANILA, Philippines – Nakataas ang public storm warning signal sa 34 lugar dahil sa nakaambang pagtama ng super typhoon “Ruby” sa Eastern Visayas.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 455 kilometro silangan ng Borongan, Eastern Samar kaninang alas-9 ng umaga.
Taglay ni Ruby na may international name na “Hagupit” ang lakas na 215 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 250 kph, habang gumagalaw sa pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 13 kph.
Nagbabala ang PAGASA sa malakas hanggang sa matinding buhos ng ulan sa loob ng 700-kilometer diameter ng bagyo.
Ang mga sumusunod na lugar ang na nasa ilalim ng public storm warning signal ngayong Biyernes:
Signal No. 2
Sorsogon
Ticao Island
Masbate
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu
Cebu City
Bantayan Island
Camotes Island
Surigao del Sur
Agusan del Norte
Surigao del Norte
Dinagat Island
Siargao Island
Signal No. 1
Catanduanes
Albay
Camarines Norte
Camarines Sur
Burias Island
Romblon
Capiz
Iloilo
Negros Oriental
Negros Occidental
Rest of Cebu
Siquijor
Bohol
Misamis Oriental
Agusan del Sur
Camiguin Island
Tinatayang lalapit si Ruby sa 230 kilometro silangan ng Borongan bukas ng umaga at 85 kilometro timog-silangan naman ng Catarman, Nothern Samar sa makalawa.
- Latest