^

Bansa

Mag-asawang campaign donor ni VP Binay kinasuhan ng BIR

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang contributor sa political campaign ni Vice President Jejomar Binay.

Aabot umano sa mahigit P39 million ang kabuuang tax liability ng mag-asawang James Lee at Ann Loraine Tiu.

Ayon sa BIR, tinangka umano ni James na umiwas sa pagbabayad ng tamang buwis dahil hindi siya nagbigay ng tamang impormasyon sa kanyang income tax return para sa taxable years 2010 hanggang 2011. Habang si Anne ay nabigo na mag­hain ng ITR mula 2010 hanggang 2012.

Kapwa nagdonate ng tig-P7.5 million sina James at Anne sa kampanya ni Binay nuong 2010 elections, at tig-P2.5 million para sa kanyang political party na PDP laban.

Lumilitaw na walang tukoy na source of income ang mag-asawa noong 2010 elections.

Nagtataka rin ang BIR kung paanong nakapag-invest ng milyun-milyong piso at nakabili pa ng mamahaling sasakyan ang mag-asawa nang wala namang tukoy na source of income.

Ayon sa BIR, nakapagbigay ng downpayment si James para sa isang BMW car na nagkakahalaga ng P5.85 million noong 2010 at nakapagbenta ng shares of stocks na nagkakahalaga ng P259,500.

Noong 2011, nakakuha si James ng loan na P3.34 million mula sa Philippine Business Bank at nagpasok ng additional investment na nagkakahalaga ng P7.5-million sa Greenergy Holdings Inc.

Si Ann naman ay nagpasok ng P7.5M at P21.5M bilang additional investment sa Greenergy Holdings nuong 2011 at 2012, pero hindi naman siya nagdeklara ng ITR para sa taxable years 2010, 2011 at 2012.

 

AABOT

ANN LORAINE TIU

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF JUSTICE

GREENERGY HOLDINGS

GREENERGY HOLDINGS INC

JAMES LEE

PHILIPPINE BUSINESS BANK

SI ANN

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with