^

Bansa

2 kaalyado ni PNoy binigyan ng puwesto sa PCSO, PhilHealth

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang talunang kandidato na kaalyado ni Pangulong Aquino ang binigyan ng puwesto sa 2 government corporations.

Itinalaga ng Pangulo si dating An-Waray Partylist Rep. Bem Noel bilang board of director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kapalit ng outgoing director na si Ma. Aleta Tolentino habang ang talunang senatorial candidate na si Rissa Hontiveros ay itinalaga naman bilang director ng Philippine Health Insurance Conrporation (PhilHealth).

Natalo si Noel ng tumakbo itong mayor ng Tacloban City noong 2013 laban kay Mayor Alfred Romualdez habang 2 beses namang nabigong manalo sa sena­torial race si Hontiveros noong 2010 at 2013.

Ayon sa source, si Noel ang posibleng maging chairman ng PCSO sa sandaling magkaroon ng botohan sa board of directors sa Enero 2015.

Magugunita na nagbitiw bilang chairperson ng PCSO si Margie Juico dahil sa health reason at itinalaga muna bilang officer in charge si PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II.

Idinagdag pa ng source, posibleng si Hontiveros din ang gawing PhilHealth chief kapalit ni Atty. Alex Padilla.

Unang napipisil ni PNoy na ilagay sa PCSO si dating Cavite Gov. Ayong Maliksi subalit dahil sa may pending case ito ay hindi naitalaga pero si Noel na kinaladkad din ang pangalan sa PDAF scam ay itinalaga ng Pangulo sa PCSO bilang director. 

 

vuukle comment

ALETA TOLENTINO

ALEX PADILLA

AN-WARAY PARTYLIST REP

AYONG MALIKSI

BEM NOEL

CAVITE GOV

GENERAL MANAGER JOSE FERDINAND ROJAS

HONTIVEROS

MARGIE JUICO

MAYOR ALFRED ROMUALDEZ

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with