Solon sa Comelec dedmahin ang mga pekeng advocates at PCOS critics
MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ng mga mambabatas ang Commission on Elections na huwag nang pansinin ang panawagan ng mga kaduda-dudang “election advocates” na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) sa bidding ng bagong supplies para sa 2016 elections.
Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na ipinipilit ng mga nagpapakilalang advocates ng clean and honest elections na huwag gumamit ng precinct count optical scan (PCOS) machines upang mabenepisyuhan sila sa malawakang dayaan sa mano-manong botohan at bilangan.
“Obviously, these groups lost their source of great income from the old system of manipulating, dagdag-bawas, harassment, and ballot switching in manual system,” pahayag ni Rodriguez, chairman ng ad hoc committee sa Bangsamoro Basic Bill at dating miyembro ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).
Inayunan ni Rodriguez ang pahayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na ang PCOS machines ng Smartmatic ay kailangang gamitin sa 2016 bilang pagsunod sa batas sa automated elections.
Ang PCOS machines ay unang ginamit sa 2010 national elections nang maihalal si Pangulong Aquino.
“We are very satisfied and even the lawyers of the protesting parties surrendered after witnessing how accurate the PCOS machines. We should continue to use PCOS machines,” ani Rodriguez.
Kaugnay nito, makakalahok ang Smartmatic-TIM sa bidding process para sa P2 bilyong kontrata dahil hindi inaksyunan ng Supreme Court ang hirit na idiskuwalipika ang naturang kumpanya dahil sa bintang na paglabag sa eleksyon.
- Latest