^

Bansa

Murder sa ka-live-in ni Mercado bubusisiin ng NBI

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasalukuyan nang binubusisi at binubuhay ng National Bureau of Investigation ang misteryosong pagkamatay ni Raquel Ambrosio na dating live-in partner ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado at anak ng yumaong komedyanteng si Babalu.

Inutos ni NBI Director Virgilio Mendez ang paghalungkat sa kaso ni Ambrosio para sa posibleng pagbuhay sa usaping ito makaraang maungkat ang pagkamatay ng babae sa kasagsagan ng pagdinig ng Senado sa overpriced building sa Makati City na ang isa sa tumestigo ay si Mercado.

Gayunman, hindi umano mahanap sa tanggapan ng Death Investigation Division ng? NBI ang case folder ni Ambrosio at maging sa mga records section ng NBI ay wala.

Sa Makati police naman, wala rin umanong mahanap na record kaya inutos na rin umano ni Sr. Supt. Ernesto Barlam na hepe ng Makati Police na hanapin ang nasabing record.

Ayon kay Barlam, matagal nang retirado ang da­ting hepe ng Makati Police na si? (ret) Col. Jovito Gutierrez noong namatay si Ambrosio at ang im­bestigador na si dating PO2 at ngayon ay Chief Insp. Juancho Ibis ay ?matagal na ring nakatalaga sa Bicol region.

Naging kwestiyunable noon ang pagkamatay ni Ambrosio noong Abril 24, 2002 sa loob ng condominium unit na pag-aari ni Mercado.?

Sa record ay isang tama ng bala ng baril sa tiyan ang ikinamatay ni Ambrosio na hindi pangkaraniwan sa mga nagpapakamatay na kadalasang sa ulo partikular sa sentido o bibig nagbabaril ang mga taong nais mag-suicide.?

Sa inisyal na ulat noon, inamin ng mga imbestigador na hindi na nila naimbestigahan ang crime scene dahil nalinis na ang lugar nang dumating sila at wala na rin ang baril na ginamit at isinurender lamang ito sa pulisya ng tauhan ni Mercado, dalawang araw matapos ang insidente.

Pinagbasehan lamang ng pulisya noon ang pahayag ni Mercado na noon ay Vice Mayor ng Makati na nagpakamatay ang biktima matapos umano silang magtalo sa kung sino ang maninirahan sa kanilang resort sa Bataan.

AMBROSIO

CHIEF INSP

DEATH INVESTIGATION DIVISION

DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

ERNESTO BARLAM

JOVITO GUTIERREZ

JUANCHO IBIS

MAKATI POLICE

MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with