^

Bansa

Kasambahay puwede na sa Malls magparehistro ng SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bukas na ang pintuan ng Social Security System (SSS)  para sa lahat ng kasambahay at iba pang domestic workers  na nais maging miyembro ng SSS.

Ito ay ayon sa SSS ay bilang pagtalima ng ahensiya sa ipinatutupad na kasambahay Law (RA 20361)  na la­yong mabigyan ng proteksiyon at bigyan ng kaukulang benepisyo ang mga nabanggit.

Bukod sa SSS registrants, tatanggap din ng aplikasyon para sa mga kasambahay na magpaparehistro sa  PhilHealth at Pag-IBIG tuwing weekends o tuwing sabado at linggo sa mga piling malls sa bansa.

Oras na maging miembro ang naturang mga  domestic workers ay may pagkakataon na silang makakuha ng mga benepisyo sa SSS tulad ng sickness, maternity,disability, retirement at death benefits bukod pa sa maaari itong makapangutang sa ahensiya.

Ang mga malls na tatanggap ng registration sa SSS, Philhealth at Pag Ibig ay matatagpuan sa SM Molino, SM Rosales, SM Sta Mesa, SM Lucena at SM Bacoor mula December 6 hanggang December 14 o araw ng sabado at linggo ng buwang kasalukuyan.

BACOOR

BUKAS

BUKOD

LUCENA

PAG IBIG

SOCIAL SECURITY SYSTEM

STA MESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with