^

Bansa

Marijuana, gadgets kumpiskado sa Bilibid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpiska ng Bureau of Corrections (BUCor) sa isinagagawang malawakang inspeksiyon sa loob New Bilibid (NBP) ang ibat’ibang communication gadgets at apat na pakete ng marijuana.

Batay sa ipinarating na ulat ni BuCor Director Franklin Bucayu kay Justice Secretary Leila de Lima, kabilang pa sa mga nakumpiska ng Security Patrol Response Unit ng NBP  ang 11 signal boos­ter;  4 booster chargers; 46 aluminum outdoor antennas; 14 plastic outdoor antennas; 4 na wifi “my bro”; 9 repeaters; 5 rolyo ng electrical wires;  isang splitter; at  isang distributor.

Binabaybay na nga­yon ang mga wiring upang matunton kung saang selda patungo ang mga communication gadget at makumpirma kung sinu-sino ang gumagamit nito.

Nabatid na ang nasamsam namang mga dahon ng marijuana ay nakita naman sa parcel ng isang freight forwarder na inaalam pa kung sino ang recipient.

Samantala, magpapatupad naman ng balasahan ang BuCor sa lahat ng mga kulungan na nasa ilalim ng pangangasiwa nito.

BATAY

BINABAYBAY

BUREAU OF CORRECTIONS

DIRECTOR FRANKLIN BUCAYU

JUSTICE SECRETARY LEILA

KINUMPISKA

NABATID

NEW BILIBID

SECURITY PATROL RESPONSE UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with