Trak bawal na sa Roxas Blvd.
MANILA, Philippines – Simula sa darating na Miyerkules ipagbabawal na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagdaan ng mga trak sa Roxas Boulevard upang mapaluwag ang trapiko sa mga patungo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at mga tutungo sa iba’t ibang okasyon sa bisinidad ng naturang kalsada.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, inaasahang mas bibigat pa umano ang trapiko dahil sa inaasahang kabi-kabilang Christmas party ng mga kumpanya at sale ng mga department store at shopping malls at mga tiangge.
Bukod sa Kapaskuhan, preparasyon na rin umano ito sa “Papal Visit” sa Enero at Kapistahan ng Itim na Nazareno,
Dapat umanong naipagbawal na ang mga trak sa Roxas Boulevard noong Agosto ngunit na-extend lamang ito kaya kanilang ipatutupad na ngayong Disyembre.
Itutuloy na rin ang pagpapatupad ng “moratorium” sa lahat ng road repairs ng mga kontraktor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Disyembre 15. Kung hindi matatapos, titiyakin umano ng MMDA na tatakpan ang mga hukay ng mga kontraktor para hindi makaabala sa trapiko.
- Latest