^

Bansa

‘Tinatawaran nila ang tagumpay ng sambayanan’ - Smartmatic

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Desperado uma­nong makamit ng mga natalong karibal ng Smartmatic Philippines ang kontrata sa pagsu-supply ng mga karagdagang precinct count optical scan (PCOS) machines sa Commission on Elections (Co­melec).

“Hindi nila mapantayan ang kapasidad at kalidad ng aming produkto at serbisyo kaya kung anu-anong paninira ang pinakakagastusan nila. Pati Comelec ay sinisiraan nila para ma-maniobra ang darating na bidding,” pahayag ni Smartmatic Philippines president Cesar Flores.

Itinakda ng Comelec sa darating na Dis­yembre 4 ang pagsusumite ng mga kaukulang aplikasyon para sa pre-qualification ng mga bidder sa P1.2 bilyon na kontrata sa pagsu-supply ng karagdagang 23,000 PCOS machines.

Dahil naging malinis at mabilis ang pagdaraos ng halalan noong 2010, minarapat ng Comelec na tuluyang bilhin ang mga ginamit na PCOS machines na ginamit muli noong matagumpay na 2013 midterm elections.

“Ang kalungkut-lungkot ay malinaw na binabale-wala nila ang tagumpay ng Samba­yanang Pilipino sa pagkamit ng demokrasya noong makasaysa­yang 2010 elections at noong 2013,” pagdidiin ni Flores.

Sa halip na makilahok sa parehas na bidding process, ang mga talunang kari­bal ng Smartmatic ay gumagawa ng ingay para ito ma-blacklist kahit walang sapat na basehan, ayon pa kay Flores.

“Naging parehas naman ang Comelec at mga nakalipas na biddings. Ano ba ang kinatatakot nila sa Smartmatic, ang proven record at outstanding performance namin?” dagdag niya.

Iginigiit ng poll watchdog groups, kabilang ang Automated Election System-Watch (AES-Watch) at Clean and Credible Elections (C3C) na ibalik sa ma­nual voting at manual counting ng mga boto ang sistema sa 2016 national elections.

Pero sabi ni Flores, dinesisyunan na ng Mataas na Hukuman na walang sapat na ebidensiya ng dayaan noong 2010 at 2013, gayundin lumabas sa survey na 75 porsi­yento ng Filipino voters ang may kumpiyansa sa mga resulta ng automated polls.

AUTOMATED ELECTION SYSTEM-WATCH

CESAR FLORES

CLEAN AND CREDIBLE ELECTIONS

COMELEC

PATI COMELEC

SHY

SMARTMATIC

SMARTMATIC PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with