^

Bansa

Bawas presyo sa LPG

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magpapatupad bukas, Disyembre 1, ng bawas-presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) ang oil firm na Petron Corporation.

Nabatid na aabot sa P1.20 kada kilo ang itatap­yas sa Gasul at Fiesta Gas na may katumbas na P13.20 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram na epektibo alas-12:01 ng madaling araw ng Lunes.

Bukod sa cooking gas, magbabawas din ng halagang P0.65 kada litro sa Xtend Auto LPG ang Petron.

Ayon kay Raffy Ledesma, Strategic Communication ng Petron, ang bawas presyo  ay base la mang sa panibagong pagbaba ng contract price sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan naman na susunod din ang mga ilang oil companies sa pinatupad na bawas presyo.

Huling nagbaba ng presyo sa LPG ang mga kumpanya ng langis nitong Oktubre 2.

AYON

BUKOD

FIESTA GAS

LIQUIFIED PETROLEUM GAS

PETRON

PETRON CORPORATION

RAFFY LEDESMA

STRATEGIC COMMUNICATION

XTEND AUTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with