^

Bansa

Binay sa Boy Scouts: See you in Malacañang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiwala pa rin si Vice-President Jejomar Binay na magtatagumpay siya sa kanyang adhikain at nagpahiwatig na sa bandang huli ay sa Malacañang din ang kanyang bagsak.

Ang positibong pananaw ni VP Binay na hindi magtatapos ang kanyang “journey” sa Coconut Palace ay inihayag sa mga ehekutibo ng Boy Scout of the Philippines matapos ang kanilang ginawang “morning walk” kahapon.

Ito ay sa gitna na rin ng kaliwa’t kanang krisis pulitika na kinakaharap nito mula sa mga kalaban sa pulitika dahil sa mga isyu umano ng korapsyon at tagong yaman.

Sumama si Binay sa may 80 national at regional executives ng BSP sa kanilang paglalakad na nagsimula sa BSP office sa may Manila City Hall patungong tanggapan ng Bise Presidente sa Coconut Palace sa Pasay City.

Sa pagtatapos ng lakad, nagbigay ng maikling mensahe ang Bise Presidente sa mga opisyal ng BSP at sumali sa inihandang  “boodle fight” sa Cococnut Palace ng mga opisyal ng BSP na nasa Manila dahil sa pagdalo ng ika-55 Annual Scout Executive Conference.

“My office is open to all members of the BSP. But we will not end up meeting here, it goes without saying,” ani Binay na pinalakpakan ng mga boys scouts.

Gayunman, nilinaw ni Binay sa mga mamamahayag na huwag haluhan ng pulitika ang kanyang naging pahayag. Aniya, ang pagsasama nila ng BSP executives ay walang kinalaman sa pulitika dahil isang physical fitness activity lamang ang kanilang isinagawa. (Ellen Fernando)

ANNUAL SCOUT EXECUTIVE CONFERENCE

BINAY

BISE PRESIDENTE

BOY SCOUT OF THE PHILIPPINES

COCOCNUT PALACE

COCONUT PALACE

ELLEN FERNANDO

MANILA CITY HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with