Bitay sa rape bubuhayin ni Miriam
MANILA, Philippines - Nais ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na buhayin ang parusang bitay particular sa mga rapists.
Sa Senate Bill 2462 na inihain ni Sen. Santiago nais nitong amiyendahan at palakasin ang Anti-Rape Law of 1997 upang gawing habambuhay na pagkabilanggo hanggang death penalty ang parusa.
Sinabi ni Santiago, kapag ang rape ay naisagawa gamit ang isang deadly weapon o ginawa ng dalawa o mahigit pang tao, ang parusa ay “reclusion perpetua to death”.
Kung mababaliw o magkakaroon ng psychological disorder ang biktima o magiging dahilan ang panggagahasa ng tangkang pagpapakamatay o pagkamatay ng biktima, ipapataw rin ang parusang kamatayan.
“When by reason or on the occasion of the rape, the victim has become insane or has developed a psychological disorder the penalty shall become reclusion perpetua to death. When the rape is attempted and a homicide is committed by reason or on the occasion thereof, the penalty shall be reclusion perpetua to death,” nakasaad sa panukala ni Santiago.
Ginawa ni Santiago ang panukala dahil sa ulat ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group’s Women and Children’s Protection Unit na karamihan sa mga nagiging biktima ng sexual abuse ay mga kabataan na may edad 13 hanggang 15.
Naniniwala si Santiago na kung itataas ang edad para madetermina ang statutory rape mabibigyan ng proteksiyon ang mga kabataan.
Nauna rito ilang insidente na ng pandurukot ng ilang mga kabataang babae ang naiulat na isinasagawa ng isang van kung saan nire-rape ang biktima bago pakawalan.
Samantala, kabilang sa mga senador na sumusuporta sa pagbuhay ng parusang bitay sa Senado ay si acting minority leader Vicente “Tito” Sotto III para naman sa mga krimen na may kinalaman sa ilegal na droga.
- Latest