^

Bansa

OFW nasagip sa bitay - Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Masayang ibinalita kahapon ni Vice President Jejomar Binay na isang Pinoy na nasa death row sa Saudi Arabia ang nasagip sa parusang bitay at inaasahang makakalaya ngayong Disyembre.

Kinilala ni Binay ang OFW na si Jonard Langamin na kasalukuyang nakakulong sa Dammam Reformatory Jail dahil sa pagpatay sa kapwa Pinoy na si Robertson Mendoza noong 2008.

Ani Binay, nakipagkasundo at napatawad ng pamilya ng biktima si Langamin at binabaan ang hinihinging blood money.

Dahil dito, nanawagan kahapon si Binay sa Department of Foreign Affairs (DFA) na bilisan ang pagpapalabas ng blood money ni Langamin upang makapiling ang kanyang pamilya ngayong darating na Kapaskuhan.

“Nananawagan po ako sa Department of Foreign Affairs na asikasuhing mabuti ang pagbayad ng blood money ni Jonard. Napakagandang regalo po ito sa ating kababayan na makapiling ang kanyang pamilya ngayong Kapaskuhan,” ani Binay.

Nilinaw ni Binay na kailangang bayaran muna ang blood money bago tulu­yang iutos ni Judge Sheik Ahmad Najmi Al Otaibe ng Damman High Court ang marathon hearing upang tuluyang maisara ang nasabing kaso at desisyunan ang deportasyon ni Langamin.

Unang humingi ng halagang P5 milyon blood money ang pamilya ni Mendoza at sa pakikipag-usap ni Binay sa magkabilang panig sa Coconut Palace ay napapayag ang naagrabyadong pamilya na babaan ito sa P2 milyon.

Una nang inasahan na makakalaya si Langamin noong March 2002 matapos na lumagda ang ama ni Mendoza ng tanazul o affidavit of forgiveness. Gayunman, hindi pa rin tinanggap ng Saudi court ang tanazul at sinabi na ang ina ni Mendoza na si Rosemarie Santiago, ang opisyal na kinatawan ng nasabing pamilya.

Noong Nobyembe 3, 2014 pormal nang tinanggap ni Judge Sheik ang tanazul na ibinigay ni Santiago na resulta upang hindi na mapugutan ng ulo si Langamin.

Tiniyak ni Binay sa iba pang overseas Filipino workers sa iba’t ibang bansa na nasa kulungan na patuloy ang pamahalaan sa pagmonitor sa kanilang kaso at nagsisikap na sila ay mapalaya.

“Hindi po nagpapabaya ang pamahalaan na bantayan at tulungan kayo. Makakaasa po kayo na nariyan ang mga kawani ng Department of Foreign Affairs upang samahan kayo sa bawat yugto ng inyong mga kaso,” dagdag ng Bise Presidente.

vuukle comment

ANI BINAY

BINAY

BISE PRESIDENTE

COCONUT PALACE

DAMMAM REFORMATORY JAIL

DAMMAN HIGH COURT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JONARD LANGAMIN

LANGAMIN

MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with