Blacklist order vs 9 HK journalists binawi na
MANILA, Philippines - Tinanggal na ng Bureau of Immigration (BI) ang blacklist order sa siyam na Hong Kong journalists na sinasabing nambastos kay Pangulong Aquino sa APEC Summit sa Bali, Indonesia noong isang taon.
Mismong ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang nagrekomenda sa BI na ipawalang-bisa na ang inisyu nitong kautusan noon Hunyo 6, 2014.
Ang NICA, na siya ring humiling ng blacklist order, ang nagsabing dapat nang alisin ang utos dahil wala namang “untoward incident” na nangyari nang dumalo si Pangulong Aquino sa APEC Summit sa China.
Dahil dito, maaari na muling pumasok ng Pilipinas ang mga mamamahayag bilang turista sa ilalim ng regular na immigration process.
- Latest