^

Bansa

Puerto Princesa Protocol itinayo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pa­lawan 3rd District Rep. Douglas Hagedorn ang paghananap ng solus­yon para sa kapayapaan at kaayusan ng Puerto Princesa City sa pamamagitan ng konsultasyon sa mamamayan upang masugpo ang illegal na droga sa lungsod.

Kasama ni Rep. Hagedorn ang 20 kinatawan ng gobyerno, negosyo, civil society at media sa inilunsad nitong Puerto Princesa Protocol kamakailan.

Kabilang sa nabuo sa konsultasyon ang koordinasyon ng mamamayan at tanggapan ni Rep. Hagedorn, pagboboluntaryo ng mamamayan sa itinatag na Task Force para sa pagpapaunlad ng lipunan at tirahan,

“Ang tanging paraan upang labanan ang krimen ay upang  tugunan ito mula sa mga ugat nito, dito ay maliwanag na kung saan ay tumataas sa antas ng kahirapan, tumataas din ang bilang ng krimen. Samakatuwid, ito ay mahalaga upang matiyak na nag-aalala ang institusyon ng pamahalaan at mga ahensya ng pagpapatupad at magsasagawa ng kani-kanilang mga hakbang,” wika pa ni Hagedorn.

Kabilang sa mga lu­mahok sa konsultasyon ay mula sa PNP, AFP-West­com, NBI, DOJ, PDEA, PCG, Department of Agriculture, DOH, DOT, DENR, DSWD, DOLE, local government, media, academe, Simbahan at civil society.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DISTRICT REP

DOUGLAS HAGEDORN

HAGEDORN

KABILANG

KASAMA

PUERTO PRINCESA CITY

PUERTO PRINCESA PROTOCOL

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with