^

Bansa

Kidnapping ngayong 2014 nasa 43 na – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 43 ang mga kaso ng kid­napping for ransom sa bansa ngayong taon.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Rene Aspera, chief of staff ng PNP Anti-Kidnapping Group, 21 kaso ay naganap sa Luzon, 22 sa Mindanao habang zero o wala ni isang kaso sa Visayas Region.

Nasa 19 naman ang patuloy na iniiimbestigahan.?

Sa nasabing mga insidente, hindi bababa sa lima ang kinidnap ng sindikato matapos na makita ang ‘profile’ ng mayayamang biktima sa kanilang mga Facebook account.

Walo namang orga­nisadong grupo ng KFR gang ang tinutugis.

Ang mga kaso naman ng kidnapping sa Mindanao ay hawak ng Armed Forces of the Philip­pines (AFP) dahil may ka­ugnayan ang mga ito sa operasyon ng Abu Sayyaf Group at iba pang armadong grupo.

Sa Sulu ay nasa 9 hostages pa kabilang ang European bird­watchers na sina Ewold Horn at Leoncio Vinciguerra ang hawak pa ng mga bandido matapos dukutin noong Pebrero 2, 2002 sa Tawi-Tawi at itago sa naturang lalawigan.

Samantala nasa 66 lider at miyembro ng KFR ang naaresto kabilang rito si Tyron de la Cruz na nabitag sa Alburquerque, Bohol matapos maka­takas sa kulungan.

Kabilang sa mga naresolba ang kaso ng negosyanteng Filipino-Chinese na si Sally Chua na dinukot sa Quezon City noong Hulyo 5, 2013 at nailigtas ng PNP-AKG operatives anim na araw matapos tangayin.

ABU SAYYAF GROUP

ANTI-KIDNAPPING GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIP

EWOLD HORN

LEONCIO VINCIGUERRA

MINDANAO

QUEZON CITY

RENE ASPERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with