P3.355-B premyo sa lotto hindi nakukuha
MANILA, Philippines – Umaabot na sa P3.355 bilyon ang halaga ng premyo sa lotto na hindi nakukuha ng mga nanalo mula taong 2006 hanggang 2013.
Sa pagdinig ng Games and Amusement Committee na pinamumunuan ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga, nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office ( PCSO) na napupunta ang unclaimed lotto prize sa kanilang charity fund kung saan kinukuha ang pangtulong naman sa mahihirap.
Dahil dito kaya pinasusumite ni Barzaga sa PCSO ang breakdown kung magkano rito ang hindi naki-claim na jackpot prize at kung magkano ang consolation prize.
Nanindigan naman ang PCSO na hindi babayaran ang premyo ng naplantsang lotto ticket ni Antonio Mendoza na nagkakahalaga ng P12 milyon.
Paliwanag ni Atty. Lauro Patiag ng PCSO legal department na hindi na mababasa ng kanilang makina ang naplantsang tiket kaya imposibleng matiyak pa na talagang winning tiket ito. (Gemma Garcia)
- Latest