Kulong sa nagtatago ng barya
MANILA, Philippines – Papatawan ng multang P300,000 at hindi bababa sa walong taong pagkakulong ang sinumang mahuhuli na nagho-hoard ng legal tender coins ng Pilipinas na tinatawag na barya.
Sa Senate Bill 2452 na inihain ni Sen. Sergio Osmeña, sinabi nito na umaangal na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagkaubos ng barya dahil sa “unscrupulous hoarding” ng mga sindikato upang tunawin at gamitin ang mahalagang metal na taglay nito bilang raw materials sa paggawa ng mobile phones, computers at iba pang industrial applications.
Sa imbestigasyon ng BSP, tumaas ang demand sa one peso coin dahil rin sa “Automatic Tubig Machines”, vending machines, video karera machines kabilang na ang “Piso-piso” internet.
Marami rin aniya ang nagtatago ng mga barya lalo na ng piso sa mga alkansiya, drawers, wallets o jars sa halip na gamiting pambayad kaya nagkakaroon ng kakulangan sa barya.
Ayon sa BSP may negatibong epekto sa ekonomiya ang patuloy na kakulangan ng barya sa sirkulasyon.
- Latest