^

Bansa

Pinoy seaman ‘tinamaan’ ng Ebola

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang tripulanteng Pinoy lulan ng cargo ship ang kinakitaan ng sintomas ng kinatatakutan at nakamamatay na sakit na Ebola.

Ayon sa lumabas na report ng Global Post, ipinasailalim sa check-up o eksaminasyon ang isang hindi pa tinukoy na Pinoy seaman matapos na may posibilidad na tinamaan ng Ebola virus.

Base sa report, tumungo sa baybayin ng Ukraine mula Guinea noong Nobyembre 17 ang Magda P, isang bulk carrier na pag-aari ng Greek shipping company na Common Progress na may sakay na 24 crew, upang ipasuri ang nasabing tripulanteng Pinoy dahil sa pagtama ng hinihinalang sintomas ng Ebola. Kabilang sa mga sakay ng barko ay ang 10 Greek nationals at 14 Pinoy.

Hindi umano dumaong ang barko sa pantalan at nanatiling nasa may tubig at tanging ang isang doktor na lamang ang sumampa at umano’y ini-examine ang sinasabing may sakit na Pinoy.

Bineberipika ng Department of Foreign Affairs ang nasabing report. Kapag nagkataon, ito ang kauna-unahang kaso ng Ebola virus sa Greece. Ang Ebola virus ay laganap na sa ilang mga bansa sa West Africa.

ANG EBOLA

AYON

BINEBERIPIKA

COMMON PROGRESS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EBOLA

GLOBAL POST

MAGDA P

PINOY

WEST AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with