^

Bansa

‘Staggered mall hours’, balak ipatupad ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Imumungkahi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga mall operators   ang planong pag-iba-ibahin ang mall opera­ting hours para maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko lalo na ngayong holiday seasons.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino na sa ilalim ng pinaplantsa nilang staggered mall hours, babaguhin ang karaniwang alas-10:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi na operating hours.

Halimbawa, maaari anyang gawing alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi ang operasyon ng hilera ng mga mall sa isang lugar, habang sa ibang lugar ay maaaring mas late magbukas pero hanggang hatinggabi.

Ibinatay niya ito sa Bangkok at Singapore na aniya’y matagumpay na pinaiiral ang magkakaibang operating hours sa kanilang mga distrito.

Idinagdag pa ng MMDA chief na   magkaroon ng “synchronization of mall operating hours”.

“’Pag ginawa po natin na sectional po ‘yung adjustment eh makaka-adjust din po ‘yung daloy ng trapiko in such a way na hindi sabay-sabay dadagsa ‘yung mga nanonood ng sine, ‘yung papasok sa eskwelahan sa loob ng mall, ‘yung naggo-grocery, ‘yung mga nagsho-shopping, ‘di pa ho kasali dun ‘yung mga nagwi-window shopping.”

Nais umano nilang   maging maayos ang sitwasyon ng mga kalsada sa Kamaynilaan sa gitna ng Christmas rush kung saan daragsa na ang mga mamimili.

Sa linggong ito ay nakatakdang makipagpulong si Tolentino sa mga mall operators para ila­tag ang kanilang plano.

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

HALIMBAWA

IBINATAY

IDINAGDAG

MALL

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with