^

Bansa

POEA nagbabala training centers ‘di awtorisadong mag-recruit ng OFWs

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binalaan ng Philip­pine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga training centers na hindi sila awtorisadong mag-recruit ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Kaugnay nito, pina­yuhan ni POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac ang mga aplikante na nais magtrabaho sa ibayong dagat na huwag basta magtiwala sa mga trai­ning cen­ters na nangangako sa kanilang mga enrollees ng trabaho sa sanda­ling matapos nila ang kanilang kurso.

Paliwanag ni Cacdac, ang mga ­training centers ay walang lisensya o awtoridad para mag-recruit ng mga manggagawa at guma­gamit lamang aniya ang mga ito ng publicized job opportunities sa ibang bansa upang mahikayat ang kanilang mga aplikante.

Nauna rito, ipinasara ng POEA ang RRR International Training Center, Inc. na matatagpuan sa DRT G27 Ground Floor, Plaza Cristina Buil­ding, Dolores, San Fernando City sa Pampanga matapos maberipikang nagre-recruit ng mga factory workers para sa Japan at Korea.

Nag-aalok umano ang naturang training center ng Korean language course ngunit ang pangalan nito ay wala naman sa updated regis­try ng TESDA para sa technical and vocational institutions at training programs.

Isang alyas Grace Manuel at Regulus Mallari ang itinuturing nagmamay-ari at nag-o-operate ng naturang training center.

Si Mallari ay una nang inaresto sa loob ng POEA ng mga awtoridad dahil sa kasong illegal recruitment at kasalukuyang nakadetine sa PNP Camp Crame.

Pinasasampahan na ni Cacdac ng kaso sina Manuel at Mallari at iba pang opisyal at emple­yado ng training center.

Isasama rin ang pa­ngalan ng mga ito sa  POEA List of Persons with Derogatory Record.

ADMINISTRATOR HANS LEO J

CACDAC

CAMP CRAME

DEROGATORY RECORD

GRACE MANUEL

GROUND FLOOR

INTERNATIONAL TRAINING CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with