^

Bansa

Affidavit muna bago tumestigo sa Blue Ribbon

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang mga senador na dapat magbigay muna ng affidavit ang sinumang nais na maging testigo sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara, sa ganitong pagkakataon ay maiiwasan ang pagsalang ng mga testigo  na walang sapat na ebidensya  at matanto rin ng komite kung kailangan silang humarap.

Nauna ng iminungkahi ito ni Sen. Serge Osmeña ng dumalo si Manuel Mejorada, ang nag-akusa kay Senate President Franklin Drilon ng katiwalian kaugnay pa rin sa usapin ng Iloilo Convention Center  (ICC).

Nang tanungin si Mejorada ni Angara kung may ebidensya ito, inamin nito na wala siyang katibayan na ikinagulat naman ng mga Senador.

“Well established is a citizen’s freedom of speech but anybody who goes before the committee should have done their homework as much as possible and come with supported testimony,” wika ni Angara.

Hihilingin din nila  kay dating Rep. Buboy Syjuco Jr. na magbigay muna ng affidavit bago payagan na magsalita sa susunod na pagdinig.

ANGARA

BUBOY SYJUCO JR.

DRILON

HIHILINGIN

ILOILO CONVENTION CENTER

MANUEL MEJORADA

MEJORADA

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with