Imbestigasyon kay Binay hanggang Mayo pa ICC probe tatapusin agad ng Senado
MANILA, Philippines – Kung ang imbestigasyon sa Makati City Hall Building II ay tatagal hanggang sa Mayo 2015, nais naman ni Sen. Koko Pimentel na tapusin na agad ang imbestigasyon sa Iloilo Convention Center (ICC) na sinasabing overpriced.
Ayon Kay Sen. Pimentel, naniniwala siyang wala ng kredibilidad si dating Iloilo administrator Manuel Mejorada dahil sa pag-amin nitong wala siyang ebidensiya at ang source nito ay Wikipedia sa pag-aakusa kay Senate President Franklin Drilon kaugnay ng ICC.
‘’Ako mismo natanong ko si [Blue Ribbon Committee] chairman [Teofisto Guingona III], ‘Why are we having this hearing?” wika ni Pimentel sa isang radio station kahapon.
‘’Kung puro online-online lang iyan, sabihin mo na lang sa amin ang links at kami na ang magre-research,” dagdag nito.
Magugunita na inamin ni Mejorada na wala siyang ebidensiya kaugnay sa akusasyon nitong overpriced ang ICC.
Nagsampa ng plunder si Mejorada kay Drilon, Tourism Sec. Ramon Jimenez, DPWH Sec. Rogelio Singson at TEZA chief Mark Lapid dahil sa umano’y overpriced na ICC.
- Latest