^

Bansa

Pagtataas ng city aid, tama lang - Manila Dad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Manila 1st District Councilor at acting Majority Floor Leader Ernesto Dionisio, Jr., na tama at napapanahon ang desis­yon ng konseho ng Maynila sa pagpasa ng ordinansa na naglalayong itaas ang  city aid sa mga barangay sa lungsod.

Ayon kay Dionisio, mula sa P1,000 kada taon ay naipasa na sa ikalawang pagbasa ang  pagtataas ng city aid o Barangay Development  Fund sa P12,000 kada taon.

Sinabi ni Dionisio na matagal nang dapat na itaas ang city aid subalit dahil sa kakulangan ng pondo ay hindi ito maisakatuparan ng konseho.

Umaasa aniya ang konseho na agad na pipirmahan ito ni Manila Mayor Joseph Estrada upang maisama sa annual bud­get ng lungsod sa susunod na taon.

Ang draft ordinance ay ang “An ordinance increasing the amount of city aid or financial assistance granted by the City of Manila to all component barangays within the jurisdiction of the city from One Thousand Pesos (P1,000) to Twelve Thousand Pesos (P12,000) per fiscal year, appropriating the amount of Eleven Million Six Hundred Sixteen Thousand Pesos (P11,616,000.00) to be incorporated on the  annul budget of the city for such purpose, and for other purposes” .

Layon ng BDF na ma­pa­buti pa ang pagbibigay ng serbisyo ng mga barangay sa kanilang mga nasasakupan. (Doris Borja)

BARANGAY DEVELOPMENT

CITY

CITY OF MANILA

DIONISIO

DISTRICT COUNCILOR

DORIS BORJA

ELEVEN MILLION SIX HUNDRED SIXTEEN THOUSAND PESOS

MAJORITY FLOOR LEADER ERNESTO DIONISIO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with