^

Bansa

Tsunami warning itinaas sa Pinas, pero binawi rin Indonesia niyanig ng 7.3 lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang banta ng tsunami sa alin mang bahagi ng Pilipinas kasunod ito ng magnitude 7.3 na lindol na tumama sa Indonesia, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Una rito, mismong ang Phivolcs ang nagbalita ng tsunami warning na itinaas ng Pacific Tsunami Warning Center kung saan pinayuhan ang mga nakatira sa eastern seaboard ng bansa partikular sa Mindanao na lumayo mula sa baybaying dagat.

Pero sa panayam ng DZMM kay Phivolcs Director Renato Solidum, sinabi nitong walang banta ng tsunami sa Pilipinas bagama’t naramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng bansa.

“’Yun pong lindol sa Indonesia ay hindi nakapagdulot ng anumang pagbabago sa antas ng tubig sa dalampasigan ng Pilipinas at wala ka­ming inaasahang anumang significant na tsunami,” sabi ni Solidum.

Alas-10:32 ng umaga (oras sa Pilipinas) nang tumama sa Halmahera, Indonesia ang magnitude 7.3 lindol na may lalim na 40 kilometro.

Sinabing posibleng tamaan ng tsunami ang Pilipinas, Japan, Taiwan at mga isla sa South Pacific.

Dahil dito kaya itinaas ng Phivolcs ang tsunami warning sa dalampasigan ng Mindanao sa Sultan Kudarat, Sarangani, Ge­neral Santos City at Davao City.

Pinayuhan din ng Phivolcs ang mga residente ng Bicol Region at Isabela sa Luzon na maghanda dahil sa inaasahang ma­laking alon.

Ang tsunami ay nagaganap sa karagatan kapag may malakas na paglindol sa isang lugar malapit sa dalampasigan.

Gayunman, binawi na rin umano kahapon ang warning.

BICOL REGION

DAVAO CITY

MINDANAO

PACIFIC TSUNAMI WARNING CENTER

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

PHIVOLCS DIRECTOR RENATO SOLIDUM

PILIPINAS

TSUNAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with