^

Bansa

Smartmatic kinontra ang mga kritiko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Smartmatic ang mga para­tang ng ilang grupo na nagsusulong ng pagbalik sa “manual count” dahil diumano’y maaaring ma­gamit sa pandaraya ang mga precinct count optical scan (PCOS) sa 2016 national elections.

“Luma ang pag-iingay ng mga grupo na biglang sumulpot sa pagsapit ng bidding sa Comelec. Bagaman, hinahamon namin silang mag-petisyon sa Comelec o Supreme Court,” sabi ni Cesar Flores, president ng Smartmatic Philippines.

Tinutukoy ni Flores ang nalalapit na bidding na isasagawa ng Comelec para sa kontrata sa pag-supply ng P2 bilyon halaga ng bagong automated vo­ting machines at refurbishment ng 82,000 units ng precint count optical scan (PCOS) machines na nabili mula sa Smartmatic.

Nagpahayag ang Smartmatic sa Comelec ng intensiyon nitong ma­kibahagi sa bidding para sa refurbishing PCOS machines.

Sabi ni Flores, “Being the manufacturers of the PCOS machines, we could provide the best services such as maintenance, upgrade, and refurbishing to the poll body.” 

Bago nito, sumulpot ang isang bagong grupo na nagbabala ng isang “electronic manipulation” ng bilangan ng boto sa 2016.

Ang Citizens for Clean and Credible Elections (C3E) ay nanawagan sa Comelec para isapuwera ang Smartmatic sa proseso ng eleksiyon.

Walang katuturan ang mga paratang na ito, sabi ni Flores, “as manufacturers of the machines, Smartmatic can provide any services of maintenance, upgrade and refurbishing to Comelec. “

ANG CITIZENS

BAGAMAN

CESAR FLORES

COMELEC

CREDIBLE ELECTIONS

LUMA

SMARTMATIC

SMARTMATIC PHILIPPINES

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with