Kaso ng karahasan sa mga kababaihan tumataas
MANILA, Philippines - Lubha nang nababahala ang womens group na Gabriela dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng karahasan sa mga kababaihan na ngayon ay pabata na ng pabata ang mga biktima.
Partikular na inihalimbawa dito ng Gabriela ang panggagahasa at pagpaslang sa 8 taong gulang na batang babae sa Biñan, Laguna gayundin ang pagkidnap at panghahalay sa isang transgender sa Magallanes interchange at ang pulis na gumahasa sa isang guro sa Pasay City.
Ayon sa naturang grupo, ipinakikita lamang umano sa insidenteng ito ang pagka inutil ng pamahalaan na maipatupad ang mga batas na magbibigay proteksiyon sa mga kababaihan laluna ang pagpaparusa sa mga gumagawa nito kung saan mismong ang mga awtoridad ay aminado na napakababa ng conviction rate sa rape.
Kaugnay nito, ikinasa na ng Gabriela ang kanilang kilos protesta sa November 25 para ipanawagan ang pagpapanagot sa gobyerno dahil sa kawalang aksyon nito.
- Latest