^

Bansa

Paghahanda sa Ebola apektado Agawan sa puwesto sa DOH

Gemma Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa umano’y agawan sa pwesto sa pagitan nina on-leave Health Secretary Enrique Ona at DOH officer-in-charge (OIC) Janette Garin kaya nangangamba ang isang kongresista na maapektuhan ang paghahanda ng bansa kontra sa Ebola virus.

Ayon kay Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus, kung magpapatuloy ang ganitong scenario sa Department of Health (DOH) ay posibleng makapasok sa bansa ang nasabing sakit na hindi namamalayan ng mga naturang opisyal.

Kaugnay nito, kaya hihilingin ni de Jesus sa House Committee on Health na imbestigahan kung gaano kahanda ang DOH at mga lokal na pamahalaan sakaling makapasok sa bansa ang ebola virus.

Bukod dito, nais rin malaman ng mambabatas ang katotohanan sa ulat ng Alliance of Health  Workers na ang Hazmat suits na gagamitin kontra Ebola ay gawa umano sa materyales na kayang tagusan ng anumang infected liquids.

“Lubhang nakakabahala ang ulat mula sa mga nars at doktor na ang ipinagmalaki ni Kalihim Enrique Ona na kagamitang pangsalag sa Ebola, ang HazMat suits, ay gawa sa materyal na tinatagos ng likidong may impeksyon, kaya malamang walang proteksyon na ibibigay ito sa mga kawaning magsusuot nito,” sabi ni de Jesus.

Giit ni de Jesus kailangan ipakita ni Ona sa komite ang ipinagmamalaki nitong Hazmat sa kanyang press conference upang masiguro na ligtas itong gamitin ng mga health workers ng DOH sa ilang piling ospital.

ALLIANCE OF HEALTH

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF HEALTH

EBOLA

HAZMAT

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

HOUSE COMMITTEE

JANETTE GARIN

KALIHIM ENRIQUE ONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with