PhilHealth automatic na sa senior citizens
MANILA, Philippines – Isa nang ganap na batas ang panukalang automatic na PhilHealth coverage para sa lahat ng senior citizens sa bansa.
Ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto, awtomatiko na ngayong makikinabang ang mga senior citizens sa Republic Act 10645 at hindi na nila kinakailangang mag-aplay para maging miyembro.
Ang kinakailangan na lamang umano ay ipakita ng isang senior citizen ang kanyang ID sa isang ospital kung saan siya magpapatingin o magpapa-ospital.
“Magpakita lang sila ng ID bilang patunay na sila’y senior citizen at matatanggap na nila mula sa ospital ang karampatang benepisyong laan sa mga miyembro ng Philhealth,” ani Recto, pangunahing awtor ng panukala.
Nauna ng sinabi ni Recto na hindi dapat optional ang coverage sa PhilHealth ng mga senior citizens.
“Health insurance can never be called universal if it does not cover all seniors. Enrolling them must be automatic, not optional. The ideal is that the minute they blow out the candles on their 60th birthday cake to the moment they breathe their last – they should be PhilHealth members,” ani Recto.
Tinatayang nasa 6.1 milyon ang mga senior citizens sa bansa o mga mamamayan na may edad 60 pataas.
- Latest