^

Bansa

Pinas naghahanda na sa 2015 APEC meet

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Pilipinas sa pagiging host-country nito sa darating na 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting na gaganapin sa Pilipinas.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, siyam na lugar sa Pilipinas ang magsisilbing venue para sa susunod na APEC summit.

Ang mga lugar na pagdarausan ng APEC meeting ay ang Clark sa Pampanga, Legaspi City sa Albay, Bagac sa Bataan, Boracay sa Aklan, Cebu, Manila, Iloilo City, Tagaytay at Bacolod City.

Ani Valte, ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paghahanda upang maging kaaya-aya sa mga bisita ang Pilipinas upang bumalik pa ang mga ito sa sanda­ling matapos ang APEC summit.

AKLAN

ALBAY

ANI VALTE

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BACOLOD CITY

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

ILOILO CITY

LEGASPI CITY

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with