^

Bansa

Nagpakalat ng ulat na nakapasok na sa bansa ang Ebola pinaiimbestigahan sa NBI

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaaring isang paglabag sa Anti-Cybercrime Law ang ginawang pagpapakalat ng impormasyon sa social media na nakapasok na sa bansa ang nakakamatay na Ebola virus.

Ayon kay acting Mino­rity Leader Vicente “Tito” Sotto, tatawagan niya ang Anti-Cybercrime unit ng NBI para paimbestigahan ang insidenteng ito.

Iginiit ni Sotto na tiyak na nagdulot ng panic sa publiko ang pagkalat ng maling impormasyon tungkol nakamamatay na Ebola virus. Naniniwala si Sotto na dapat may masampolan sa mga lumalabag sa batas laban sa cybercrime. 

Dapat anyang epektibong maipatupad ang anti-cybercrime law para maparusahan ang mga abusado at iresponsable sa paggamit ng social media.

Pabiro pang sinabi ni Sotto na wala pang Ebola sa Pilipinas pero ang mayroon ay  Ebulsa.

Matatandaan na nauna ng ipinag-utos ng Malacañang ang mahigpit na pagbabantay sa mga dumarating sa bansa upang matiyak na hindi makakapasok ang Ebola virus.

Agad aniyang ia-isolate ang lahat ng makikitaan na may sintomas ng flu-like virus bilang bahagi ng pag-iingat.

ANTI-CYBERCRIME

ANTI-CYBERCRIME LAW

AYON

DAPAT

EBOLA

EBULSA

LEADER VICENTE

SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with