Botcha kakalat
MANILA, Philippines - Sa inaasahang mabilis na bentahan ng produktong karne ngayong Pasko, nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa publiko na doblehin ang pag-iingat sa pagbili ng nasabing produkto na may mataas na discount sa presyo sa mga liblib na merkado.
Maging ang lokal na pamahalaan sa lungsod Quezon ay may kahalintulad na panawagan bunga na rin anya ng malamig at maulang panahon na sanhi para madaling kapitan ng iba’t-ibang mga sakit ang mga alagang baboy, baka, at manok na makakaapekto sa tao kapag naging double dead o botcha na ito at kanilang nakain.
Pinaalalahanan ang mga mamimili na bumili ng karne at produktong mula sa palengke at supermarket na accredited ng National Meat Inspection Service (NMIS) o sa mga katayan at tindahan ng karne na rehistrado ng LGUs para makaiwas sa botcha.
Ang karne ay inuuri bilang hot meat kapag kinatay sa mga hindi aprubadong pasilidad o hindi sumailalim o pumasa sa kailangang inspeksyon ng kuwalipikadong meat inspector, habang ang double dead o botcha na karne ay mula sa namatay na mga hayop bago karnehin at ibenta sa merkado.
Ang botcha ay nagtataglay ng pulang mga spots sa balat habang ang karne nito ay maputla at ang kulay nito ay may ekstrang pula sa halip na mamula-mula at taba na may sangkap pangulay na pula.
Habang ang double dead na karne naman ay naglalabas ng mabahong amoy at madaling matanggal sa buto ang karne nito.
Bukod sa pagbili ng mga karne sa rehistradong meat shops at palengke, mas maigi na tignan ang mga karne kung may meat products inspection certificates at markado ng inspection na nagpapatunay na ang karne ay nasuring mabuti.
- Latest