^

Bansa

P8 pasahe sa jeep inihain

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagharap ng petisyon kahapon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang transport group na Pasang Masda upang igiit dito na bawasan ng 50 sentimos ang kasalukuyang P8.50 na minimum fare sa mga pampasaherong jeep dahil sa anim na beses na rollback sa presyo ng diesel.

Bukod sa bawas pasahe, nagsampa rin si Obet Martin, national president ng Pasang Masda ng petition for institutionalizing fare adjustment o agad magbabago ang pasahe sa passenger jeep depende sa presyuhan ng diesel upang hindi na idaan sa petisyon at public hearing ang taas at baba sa pasahe sa naturang mga sasakyan.

Inihalimbawa dito ni Martin na kung P38.00 ang diesel kada litro ay dapat P8.00 ang minimum fare sa jeep, P40-45 presyo ng diesel ay P9.00 ang minimum fare, P46-P50 ay dapat P10.00 ang pasahe.

Itinakda ng LTFRB na dinggin ang petisyong ito sa November 17.

 

BUKOD

DIESEL

FARE

INIHALIMBAWA

ITINAKDA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

NAGHARAP

OBET MARTIN

PASAHE

PASANG MASDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with