CGMA, puwedeng makipaglamay at makipaglibing sa apo - Sandigan
MANILA, Philippines – Bagamat inisnab ng Sandiganbayan ang hiling ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo na ma-house arrest sa tahanan nito sa QC, maaari naman itong makadalaw sa burol at makipaglibing sa pumanaw na apo.
Para sa humanitarian considerations, pinagbigyan ng graft court si Arroyo na makapunta sa burol ng apo sa Forbes Park sa Makati City simula kahapon hanggang Linggo, Nobyembre 9 pero mula alas-12:00 ng tanghali lamang hanggang alas-10:00 ng gabi.
Maaari namang makipaglibing si Mrs. Arroyo sa apo sa Nobyembre 10 mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.?
Sa dalawang pahinang resolusyon ng Sandiganbayan first division, inaatasan nito ang PNP na bigyan ng seguridad si Arroyo sa pagtungo sa burol at libing ng apo sa kundisyong ito ang gagastos sa mga biyahe nito papunta doon.
Binigyang linaw ng graft court na inisnab ang hiling ni Mrs. Arroyo na 9 days house arrest sa bahay nito sa La Vista, QC dahil mabigat umano ang kaso nitong plunder at nangangailangan ito ng medical attention dahil sa iniindang sakit kayat patuloy itong naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa QC.
Utos din ng korte kay Arroyo na bawal itong magpa-interview sa media at gumamit ng gadgets tulad ng cellphone habang nasa burol at libing ng apo.
- Latest