Sandigan pinayagan si GMA na dumalaw sa burol ng apo
MANILA, Philippines - Pinayagan kagabi ng Sandiganbayan si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria-Arroyo na makadalaw sa burol ng kanyang apo.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, tagapagsalita ng pamilya Arroyo, pinayagan kagabi ng 1st division ng Sandiganbayan si Rep. Arroyo na makadalaw sa burol ng kanyang apo sa Forbes Park, Makati City mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.
Magugunita na naghain ng mosyon sa korte ang kampo ni Mrs. Arroyo para sa 9-araw na ‘furlough’ upang makadalaw sa burol hanggang sa libing ng kanyang apo na si Jugo Alonzo, 13-month old na anak ni Luli Arroyo at Luigi Bernas.
Nasawi ang anak ni Luli nitong Linggo sa Philippine Heart Center dahil sa congenital heart disease.
Sinabi naman ni Atty. Laurence Hector, hindi naman flight risk ang dating lider at wala itong balak na tumakas bagkus ay nais lamang damayan ang kanyang anak na si Luli na namatayan ng anak.
Pabor naman si House Speaker Feliciano Belmonte Jr., na pagkalooban ng furlough si Mrs. Arroyo.
- Latest