Trillanes tinaningan si Binay
MANILA, Philippines — Halos tatlong linggo ang ibinigay ni Senador Antonio Trillanes IV na palugit kay Bise Presidente Jejomar Binay upang makasa ang kanilang inaabangang debate.
Sinabi ni Trillanes na hanggang Nobyembre 22 lamang siya maghihintay kung haharapin pa ba siya ni Binay.
Aniya iniiwasan ng Bise Presidente ang kanilang paghaharap, patunay dito ang hindi pakikipagtulungan sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na nag-aayos ng kanilang debate.
BASAHIN: Pamilyang Binay sumuko na - Trillanes
"Ngayon, nakikipag-coordinate ang KBP sa kanila, ayaw nilang magpatali sa isang petsa, inuusog nang inuusog," wika ni Trillanes sa dzMM.
"[Kapag] wala silang naitaling petsa hanggang sa umabot na 'yan, ibig sabihin, hindi mo talaga mapagkakatiwalaan itong si Vice President Binay."
Ilang beses nang inimbitahan ng Senate Blue Ribbon-Sub committee si Binay upang sagutin ang mga paratang na pangungurakot mula nang maupo ito bilang alkalde ng Makati.
Hinamon nitong nakaraang buwan ni Binay si Trillanes sa isang debate upang depensahan ang sarili sa mga akusasyong ibinabato sa kanya ng senador.
"Magsasalita ito pero hindi naman niya tutuparin."
- Latest