^

Bansa

Hukom pinagmulta sa mga atrasadong desisyon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinastigo ng Korte Suprem ang isang hukom na nakatalaga sa Lapu-Lapu City, Cebu dahil sa kabiguan nitong aksyunan sa tamang panahon ang may 191 kasong nasa kaniyang sala.

Sa kautusan, napatunayan na guilty si Judge Benedicto Cobarde, da­ting huwes ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court (RTC) Branch 53, na na­ging atrasado sa paghatol sa 73 criminal cases, 112 civil at special proceedings cases bukod pa sa 6 na cadastral cases o may kaugnayan sa lupa.

Nilinaw pa ng SC na hindi lamang ito ang unang pagkakataon dahil may 35 administrative cases pang naihain laban sa kaniya kaya sapat na umanong patawan si Cobarde ng multang P100,000.

Nadiskubre lamang ang santambak na mga kasong hindi naaksiyunan ni Cobarde nang siya ay mag-requet ng Certificate of Clearance, na kinailangan niya sa application for compulsory retirement benefits. (Ludy Bermudo)

 

CEBU

CERTIFICATE OF CLEARANCE

COBARDE

JUDGE BENEDICTO COBARDE

KINASTIGO

KORTE SUPREM

LAPU-LAPU CITY

LAPU-LAPU CITY REGIONAL TRIAL COURT

LUDY BERMUDO

NADISKUBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with