Mga santo papurihan kesa Halloween party
MANILA, Philippines - Umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na hindi dapat isantabi ang pagbibigay ng papuri sa mga banal at mga santo ngayong All Saints’ Day nang dahil lamang sa nakaugalian o tradisyon sa pagdaraos ng Halloween party.
Panawagan ng Cardinal sa mga mananampalatayang Katoliko, marapat na ipagdiwang at kilalanin ang mga taong nabuhay sa kabanalan.
Gayunman, sinabi ni Tagle na hindi naman kontra sa tradisyunal na pagdiriwang ng Halloween ang Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng pagsusuot at pagpipintura sa katawan at mukha ng mga props para sa nakakatakot na hitsura subalit nakakalimutan na aniya ang tunay na diwa, bagkus ay nauuwi na lamang sa kasiyahan dahil sa costume party.
Ikinatuwa rin naman ni Tagle ang naging pagkilos ng mga pari at mga Obispo sa pagsasagawa ng “March of Saints” o ang pagsasaayos ng parada ng mga kabataang nakabihis na mga santo sa halip na nakakatakot na pananamit.
Layunin aniya ng “March of the Saints” na muling maibalik ang tunay na diwa ng kabanalan ng mga Santo na naging malaking bahagi ng Simbahang Katoliko at buhay ng mga mananampalataya.
- Latest