^

Bansa

Trabaho sa Gabinete hindi ‘toxic’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na masyadong ‘toxic’ ang magtrabaho sa Gabinete ni Pangulong Aquino kaya nagkakasakit ang ilang opisyal nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nagbakasyon lamang ng 1 buwan si Health Sec. Enrique Ona upang magpahinga mula Oct 8-Nov. 27.

Magugunita na nagbitiw din noon sa kanilang puwesto sina dating DOTC Sec. Jose de Jesus, Tourism Sec. Albert Lim, NDRRMC executive director Benito Ramos at NFA Administrator Arthur Juan dahil sa ‘health reasons’.

Wika pa ni Lacierda, hindi dapat bigyan ng kulay ang ginawang pagbabakasyon ni Sec. Ona kasabay ang pagtanggi na mayroong ‘exodus’ ng pagbibitiw sa gabinete ng Pangulo. Aniya, mismong si Pa­ngulong Aquino ang umamin noon na mahirap talagang kumuha ng mga mabubuti at mahuhusay na opisyal ng gobyerno.

 

ADMINISTRATOR ARTHUR JUAN

ALBERT LIM

ANIYA

BENITO RAMOS

ENRIQUE ONA

HEALTH SEC

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

TOURISM SEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with