BI naglabas ng deportation order vs Mark Sueselbeck
MANILA, Philippines — Naglabas ng deportation order ngayong Huwebes ang Bureau of Immigration laban sa Alemang nobyo ng napaslang na Filipino transgender sa Olongapo City.
Inilabas ang kautusan laban kay Mark Sueselbeck matapos siyang maghain ng motion for voluntary deportation.
"[Sueselbeck] manifests before this Honorable Office (BI) that he is seeking voluntary deportation the soonest time possible so he can attend to his only source of livelihood," pahayag ng abogado ng Aleman na si Harry Roque.
Kinasuhan si Sueselbeck ng gross arrogance" at "serious disrespect to Filipino authorities" matapos piliting pumasok sa Camp Caringal sa Quezon City kung saan nakakulong ang suspek sa pagpatay kay Jeffrey "Jennifer" Laude na si US Marine Joseph Scott Pemberton.
Nakasaad sa kautusan ng Immigration na pumayag ang Aleman na mailagay sa black list kung saan hindi na siya maaaring makabalik ng bansa.
- Latest