Cha-cha ‘inilibing’ na ni Erice
MANILA, Philippines - Tinalikuran na ni Caloocan City Rep. Egay Erice ang pagsusulong sa Charter Change para sa ikalawang termino ni Pangulong Aquino.
Dahilan ni Erice, lumabas sa survey ng Pulse Asia na ayaw ng nakararaming Pinoy na palawigin pa ang termino ng Pangulo.
Lalo anya siyang nawalan ng dahilan para itulak ang Cha-cha nang mismong si PNoy na ang mag-anunsiyo na hindi ito interesado na tumakbong muli sa pagka-pangulo.
Nilinaw naman ni Erice na bagamat si DILG Sec. Mar Roxas ang posible nilang standard bearer sa Liberal Party (LP) sa 2016 elections ay hindi pa sarado ang kanilang proseso ng pagpili.
Ito ay dahil sa susunod na taon pa umano mag-uumpisa ang prosesong pagpili na gagawin ng LP national directorate na binuo ng tig-25 LP stalwarts mula sa Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region.
- Latest