^

Bansa

Pagpapaliban sa SK poll aprub

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panibagong postponement ng Sangguniang Kabataang (SK) elections hanggang sa 2016.

Ang nasabing committee report ay para umano sa consolidated version ng House Bills 5006 na naglalayong bigyang daan muna ang malawak na reporma sa sistema ng SK.

Ang SK elections ay nakatakda sana sa Pebrero 2015 subalit sa panukala sa Kamara ipinagpaliban muna ito at ipinasasabay na lamang sa barangay elections sa 2016.

Ayon naman kay Capiz Rep. Fredinil Castro, chairman ng komite, isusumite na nila ang committtee report sa rules committee para matalakay na ito sa plenaryo.

Hindi naman nito sakop ang mga repormang kailangan sa SK dahil ang Local Government Committee ang bahala dito.

Iginiit ni Castro na dapat maging metikuloso ang kongreso sa paglalapat ng reporma sa SK para hindi na naman ito mauwi sa pagiging half baked o half cooked.

AYON

CAPIZ REP

FREDINIL CASTRO

HOUSE BILLS

HOUSE COMMITTEE

IGINIIT

INAPRUBAHAN

LOCAL GOVERNMENT COMMITTEE

SANGGUNIANG KABATAANG

SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with