^

Bansa

PNoy atras na sa 2016

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyang ibinasura ni Pangulong Aquino ang mungkahi sa kanya na muling tumakbo bilang pangulo sa darating na 2016 elections.

Sinabi ng Pangulo sa general membership ng Semi-conductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation, hindi na solusyon ang muli niyang pagtakbo upang malutas ang mga suliranin ng bansa.

“Even there are some quarters that were saying I should try and go for a second term, I don’t think that’s a right solution. We all have a time card in this world and we have to prepare for the eventuality of being called --- to meet our maker. So there has to be that continuation of people of like mind who will deliver on the promises that are real and not just self-serving or nice, pleasant to hear,” wika ng Pangulo sa question and answer sa nasabing event sa Manila Peninsula kahapon.

Ilang kaalyado ni Aquino mula sa Liberal Party tulad nina DILG Sec. Mar Roxas at Caloocan City Rep. Edgar Erice ang humihiling kay PNoy na muli itong tumakbo sa 2016 elections sa sandaling maamyendahan ang Konstitusyon.

Naunang sinabi ni PNoy na iaanunsiyo nito ang kanyang magiging manok sa 2016 sa takdang panahon dahil nakapokus ang kanyang administrasyon sa pagresolba sa suliranin ng bansa sa napipintong power shortage at ibang isyu.

Pero pinayuhan ng Pangulo ang mga botante na pumili ng nararapat na kandidato sa 2016 upang maging tuloy-tuloy ang nasimulan niyang reporma sa gobyerno.

AQUINO

CALOOCAN CITY REP

EDGAR ERICE

ELECTRONICS INDUSTRIES

LIBERAL PARTY

MANILA PENINSULA

MAR ROXAS

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINES FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with