^

Bansa

‘Matapobre kayo’ - VP Binay

Ellen Fernando at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

 Utak ng Oplan Nognog binira  

MANILA, Philippines - Matapobre, elitista at kontra sa mahihirap ang mga taong nasa likod ng “Oplan Stop Nognog 2016” (Oplan SN16).

Ito ang tinuran ni Vice President Jejomar Binay patungkol sa napaulat na Oplan SN16 na isa umanong kampanya ng paninira na binuo ng kanyang mga kalaban para mapababa ang kanyang rating at durugin ang kanyang tsansa sa halalang pampanguluhan sa taong 2016.

“Malinaw na nakakainsulto ang mga nakaisip ng ‘nognog. Sigurado, ang nakaisip ng katagang iyan ay mayayamang haciendero dahil ang ‘nognog’ ay pamimintas laban sa mga taong maiitim ang balat,” sabi ni Binay.

“Nais nilang ipakita na hindi ako bagay na ma­ging presidente. Hahanap sila ng paraan na makulong ako o mapatalsik sa puwesto. Ginagawa nila ang mga bagay na ito para hindi ako makatakbo o maging pangulo ng bansa,” dagdag niya.

Binatikos din ni Binay si Senator Antonio Trillanes IV sa pagtawag sa kanya nito bilang dating “kulay-mahirap” at “asal-mahirap.”

“Isang patunay ito sa takbo ng pag-iisip ni Ginoong Trillanes na kontra sa mahirap. Napakaliit ng tingin sa mahihirap at maiitim ng mga taong nasa likod ng mga paninira laban sa akin,” dagdag ng Bise Presidente.  

Sinabi pa niya na hindi na siya nagugulat na isa sa mga utak sa likod ng Oplan SN16 si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Manuel Roxas II.

“Isa siya sa mga lider sa likod ng Oplan Stop Nognog 2016. Hindi na ako nagugulat dahil, una, mapaglibak ang salitang nognog at ibinabalik laban sa iyo ang kaitiman ng iyong balat,” paliwanag ni Binay.

“Ayaw nilang magkasama-sama ang mga mahihirap. Ayaw nilang pangunahan ko ang pakikibaka laban sa kahirapan, para sa pagkakaroon ng mga trabaho. Alam nyo ang ibig sabihin ng nognog, isa itong paglibak sa maliliit at maiitim na tao,” dagdag niya.

Samantala, pinuna ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco na desperado na si Trillanes sa adyenda nito ng paninira sa reputasyon ni Binay kaya iniinsulto na ng senador ang mga maralita.

Ayon kay Tiangco, lumitaw ang klase ng pagkatao at pag-iisip ng da­ting sundalong si Trillanes nang bitawan nito ang mga salitang “kulay-mahirap” at ‘asal-mayaman” sa isinagawa nitong ocular visit sa Sunchamp Agri-Tourism Park sa Rosario, Batangas noong Huwebes.

“Ito ay patunay na hindi lang wala siyang malasakit sa mahihirap kundi nakuha pa nyang kutyain sila,” diin ni Tiangco.

Sinabi ni Tiangco na ipinapakita sa mga salita ni Trillanes ang kulay ng pulitika nito na napaka­baba ng tingin sa mga mahihirap.

“Sila ang sektor na dapat pina-prayoridad ng mga public servants dahil sila ang nangangailangan ng tulong ng gobyerno. Pero imbes na maghain at gumawa si Sen. Tr?illanes ng mga batas na magpapa-angat ng buhay ng mga kababayan natin ay ginagamit lang sila sa kanyang pamumulitika. Lumabas na ang totoong kulay ni Sen. Trillanes, siya ay kulay matapobre,” sabi pa ni Tiangco.

 

AYAW

BINAY

BISE PRESIDENTE

OPLAN

OPLAN STOP NOGNOG

TIANGCO

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with