Presyo ng bulaklak, kandila binabantayan
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na pasok sa suggested retail price (SRP) ang presyo ng bulaklak at kandila sa Undas.
Titiyakin din ng Consumer Protection Group sa tulong ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bulaklak para hindi masamantala ang bentahan nito.
Kabilang sa mga iinspeksyunin ng DTI ang mga pamilihan sa Maynila at Quezon City para sa presyo ng kandila at bottled water gayundin ang Dangwa Flower Market para naman sa presyo ng mga bulaklak.
Isasabay na rin ng DTI sa inspeksyon ang mga noche buena items na sunod na umanong paghahandaan ng mga mamimili.
Samantala, gumalaw na ng P20 hanggang P40 ang bentahan ng ilang bulaklak sa Dangwa.
Tumaas naman ng P120 mula P80 ang isang dosena ng Malaysian Mumps habang tumalon na sa P200 mula P180 ang Gerbera. Pareho namang nanatili sa P300 ang isang dosena ng rosas at ang maliliit na flower arrangements na nakalagay sa basket.
Ayon sa mga tindera sa Dangwa, posible pang lumobo ang presyo ng kanilang mga paninda sa mismong araw ng Undas.
- Latest