^

Bansa

Batas vs stalker isinulong

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang lady solon ang panukalang batas na nagbibigay parusa sa mga stalker.

Sa House bill 5064 ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero, dapat na mabigyan ng proteksyon ang mga biktima ng stalker na nalalabag ang kanilang karapatan dahil naha-­harass, tinatakot at ginugulo ang pribadong buhay ng mga ito.

Nakasaad sa panukala na ang mga stalker ay makukulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at multang P100,000 hanggang P500,000.

Kung ang biktima ay babae o menor de edad, ang pinakamabigat na parusa ang ipapataw sa mga stalker.

Ang mapapatunayang nagkasala ay kailangan ding sumailalim sa medical, psychological o psychiatric treatment.

Binibigyan din ng karapatan ang biktima na humi­ngi ng injuction sa kor­te upang mapagbawalan ang stalker na lumapit sa kanya.

BIKTIMA

BINIBIGYAN

EVELINA ESCUDERO

ISINUSULONG

NAKASAAD

SA HOUSE

SORSOGON REP

STALKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with