^

Bansa

Palaweños magsusumbong kay PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isusumbong ng mga Palaweños kay Pangulong Aquino at DILG Sec. Mar Roxas ang mga ‘kapalpakan’ ni Puerto Prin­cesa City Mayor Lucilo Bayron dahil sa paglaganap ng drug-related cases sa lungsod na tourist destination pa naman.

Magtutungo ang mga kapitan ng barangay kasama ang mga negos­yante upang ireklamo ng personal si Mayor Bayron sa Pangulo at kay Roxas dahil sa tumataas na kriminalidad.

Kabilang sa ihahaing reklamo laban kay Mayor Bayron sa Office of the President (OP) ang gross neglect of duty,misapplication of justice, cover-up, pagiging bias at iba pang administrative cases.

Kasama ring irereklamo kay Roxas si Supt. Thomas Frias Jr. bilang hepe ng pulisya ng Puerto Princesa City.

Nadismaya ang mga Palaweños dahil sa paniwala nilang nagkaroon ng whitewash at cover-up ang pulisya at city hall sa paghawak sa kaso ng 21 yrs. old spa worker na rape-slay victim nitong Oct. 11 at pagkakasangkot ng isang barangay official sa 2 pamamaril pero patuloy na nakakagala.

Bukod dito, may kinakaharap pa ring recall petition si Bayron na isinampa ng 40,409 voters ng lungsod dahil sa lost of confidence dito.

CITY MAYOR LUCILO BAYRON

MAR ROXAS

MAYOR BAYRON

OFFICE OF THE PRESIDENT

PALAWE

PANGULONG AQUINO

PUERTO PRIN

PUERTO PRINCESA CITY

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with