SC: ‘Friends’ setting sa FB, hindi private
MANILA, Philippines - Hindi maituturing na private ang Facebook post kahit pa naka-’friends’ ang setting nito o ang makakakita lamang ay ang kanyang ‘friends’.
Ito ang paglilinaw ng SC kasunod ng kaso ng limang estudyante sa Cebu na hindi pinayagang maka-graduate dahil sa malaswang litrato na kumalat sa Facebook.
Sa desisyon ng SC na pirmado ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr., sinabi nitong kahit pa i-post ang isang litrato sa ‘friends’ setting o limitado lamang sa accounts ng inaprubahang ‘friends’, maaari pa rin itong mai-share at gamitin para mag-tag ng ibang FB users na hindi pasok sa network ng friends o estranghero na sa orihinal na nag-post.
Ibinasura sa desisyon ang writ of habeas data na inihain ng mga magulang ng mga batang sangkot sa gulo sa St. Theresa’s College sa Cebu noong 2012.
Nag-ugat ang reklamo sa hindi umano paggalang ng eskwelahan at ng computer teacher na si Mylene Rheza Escudero sa ‘rights to privacy’ ng mga mag-aaral nang i-access ng mga ito ang FB accounts at i-download ang mga larawan kung saan makikitang naka-bikini at naninigarilyo ang mga bata.
Ayon sa mga estudyante, “very private” ang kanilang mga account at ang mga larawan ay ipinost sa ‘friends only’ setting.
Maaari ding ikonsidera ang pagsi-shared ng post na posibleng pinost at tinag ng kanyang mga kaibigan kaya’t nawawala na ang privacy setting sa ‘Friends’.
- Latest