Trillanes dating hanga kay Antonio Tiu
MANILA, Philippines - Aminado si Sen. Antonio Trillanes IV na bago pumutok ang mga alegasyong katiwalian kay Vice President Jejomar Binay ay naging kaibigan at hinangaan niya ang negosyanteng si Antonio Tiu.
"I knew Tony Tiu then as a good man and a legitimate businessman," ani Trillanes.
Ang naturang pahayag ang reaksyon ni Trillanes sa kumalat na online video kung saan nakitang pinupuri ng senador ang negosyante na binanatbanatan niya sa mga pagdinig ng Senate blue ribbon sub-committee sa umano'y maanomalyang Makati City Hall II parking building.
Inaakusahan ni Trillanes si Tiu na "dummy" ng pamilya Binay sa pag-aari ng kontrobersiyal na agricultural estate sa Rosario, Batangas.
Sa video na may habang dalawang minuto, ipinapakitang hangang-hanga ang senador sa kanyang kaibigan negosyante dahil sa kontribusyon nito sa agrikultura.
"When I was invited by our good friend, Mr. Tony Tiu, kahit na meron po tayong bad cold this morning, kailangan makita natin at masuportahan siya, makita natin yung ating paniniwala sa kanyang vision for agriculture," pahayag ng senador sa video.
Iginiit ni Trillanes na nauna na niyang inamin sa pagdinig ng blue ribbon sub-committee na noong August 5 ay dumalo siya sa isang pagtitipon sa "Hacienda Binay."
"Now, after learning that Tony Tiu is nothing but a dummy of VP Binay, things have changed. And whatever friendship we had then won't stop me from unmasking him," anang senador.
- Latest